Home HOME BANNER STORY Pinoy na walang trabaho kumonti sa 1.83M noong Nobyembre

Pinoy na walang trabaho kumonti sa 1.83M noong Nobyembre

MANILA, Philippines – Bumaba sa 3.6 percent ang unemployment rate ng Pilipinas noong Nobyembre, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.

Mas mababa ito kumpara sa 4.2 percent rate na iniulat noong Oktubre.

Ang nasabing datos ay katumbas ng 1.83 milyong walang trabahong manggagawang Pilipino noong Nobyembre kumpara sa 2.09 milyon noong nakaraang buwan.

Samantala, mas dumami ang mga Pilipinong underemployed noong Nobyembre. Mayroong 5.79 milyong underemployed sa buwang iyon, mas mataas sa 5.6 milyon noong Oktubre. RNT