COTABATO CITY, Philippines — Pitong magkakamag-anak na pinaniniwalaang dinakip ng hindi pa nakikilalang mga tao ang natagpuang magkasamang nakaburol sa isang mababaw na libingan sa Sapad, Lanao del Norte noong Linggo, Enero 7.
Kinilala ng Lanao del Norte police ang mga nasawi na sina Joselito Gaviola at asawa nitong si Marly, at Elvie, Epifanio Sr., Epifanio Jr., Jomar at Jopay, na pawang may apelyidong Lenara.
Ayon sa mga ulat, ang mga katawan ay nagtamo ng maraming tama ng bala.
Ang mga nasawi ay natagpuan ng isang residente, na nakakita sa bagong hukay na libingan sa isang niyog sa Barangay Karkum, ayon kay Sapad police chief Maj. Alibsar Daraba.
Base sa pulisya, ang mga Gaviola ay residente ng Barangay Sangali sa Zamboanga City, habang ang mga Lenara ay mula sa Margossatubig, Zamboanga del Sur, ayon sa ulat ng Sapad police.
Sinabi ng pulisya at mga tauhan ng municipal health office na magkamag-anak ang mga biktima.
Kumakalat naman ang text messages sa Lanao del Norte na nagsasabing ang mga biktima ay dinakip sa isang lugar at dinala lang sa Sapad upang ilibing sa isang lugar na malayo sa mga residential house para iligaw ang mga imbestigador.
Dinala ang mga bangkay sa isang funeral parlor sa Barangay Curvada sa kalapit na bayan ng Kapatagan.
Hindi pa matukoy ng mga imbestigador ang motibo sa pagpatay at matukoy ang mga suspek. Santi Celario