Home METRO Single-entry, multiple exits ipinatupad sa Quiapo

Single-entry, multiple exits ipinatupad sa Quiapo

(c) Manila Public Information Office

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Manila Police District (MPD) ang mga nagsisimba sa ipapatupad na “single entry-multiple exits” sa Quiapo Church para sa Traslacion 2024.

Sinabi ni MPD Director Col. Arnold Thomas Ibay, na ang mga deboto na gustong makapasok sa loob ng simbahan ay dapat dumaan sa tanging pasukan sa Villalobos Street sa Quiapo.

Sinabi ni Ibay na lahat ng mga deboto na dadaan sa iba pang kalye para makarating sa simbahan ay mapupunta sa Plaza San Juan de Bautista.

Ang mga deboto na mangagaling ng Palza San Juan Bautista ay hindi pinapayagan na pumasok ng Simbahan dahil ito ay ecit para sa mga na mangagaling sa loob ng Simbahan.

Gayunpaman, pinapayagan aniya ang mga deboto na manatili sa San Juan de Bautista upang makinig sa misa kung gusto nila.

Ang iba pang labasan ng simbahan ay sa Evangelista Street at Carriedo Street.

Ayon pa kay Ibay, maaari ding dumaan ang mga tao mula Estero Cegado Street hanggang Palanca Street para makarating sa Villalobos Street.

Maglalagay aniya ng LED screens sa Carriefo Street para sa mga tao na gustong manood ng Misa dahil 750 katao lamang ang papayagan pumasok sa Simbahan dahil sa peligro sa Covid-19

Samantala, pansamantalang pagbabawalan ang mga vendors sa paligid ng Quiapo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)