Iniimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpatay noong Peb. 26 kay dating Mayor Abdulazis Tadua Aloyodan ng Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur, na inambush sa tapat ng kanyang bahay ng hindi pa kilalang salarin.
Tinutukoy ng CHR Quick Response Operation kung may kinalaman sa pulitika ang pag-atake, kasunod ng tangkang ambush sa isang bise alkalde sa Maguindanao del Sur.
Nanawagan ang CHR sa gobyerno na resolbahin ang mga karahasang ito, na maaaring magdulot ng takot sa mga mamamayan at pahinain ang demokrasya, kapayapaan, at seguridad ng bansa. Santi Celario