MANILA, Philippines – Pinasinayaan ng Angeles City ang kauna-unahang solar-powered at fully air-conditioned na pampublikong paaralan sa Central Luzon — ang Belen Homesite Elementary School sa Barangay Sto. Cristo — na may pitong silid-aralan para sa 189 na estudyante.
May kabuuang 32 kVA solar panels, nagsisilbing modelo ang paaralan sa paggamit ng renewable energy para sa mas matipid at makakalikasang kuryente. Binanggit ni Mayor Carmelo Lazatin Jr. ang P3 milyong ginastos para sa pagsasaayos ng mga silid-aralan.
Nagsimula na rin ang pamahalaang lungsod na mag-install ng solar panels sa lahat ng opisina ng lokal na pamahalaan, kabilang ang city hall, mga barangay hall, at health units. RNT