Home HOME BANNER STORY InstaPay interbank transfer fee ibinaba ng BPI sa P10

InstaPay interbank transfer fee ibinaba ng BPI sa P10

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng BPI na ibinaba nito ang InstaPay interbank transfer fee mula P25 patungong P10 kada transaksyon mula Marso 7 hanggang Mayo 31, 2025.

Layunin ng bangko na gawing mas abot-kaya at accessible ang digital banking para sa mga customer.

Nagbibigay din ang BPI ng real-time, 24/7 fund transfers gamit ang GCash at Maya.

Maaaring gamitin ang mas mababang bayad sa pamamagitan ng BPI mobile app o online banking platform. RNT