MANILA, Philippines – Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na obligahin ang lahat ng public utility vehicle (PUV) drivers at conductors na sumailalim sa dalawang araw na retraining para sa pag-renew ng prangkisa.
Kasama rito ang psychological profiling, edukasyon sa road safety, at first-aid training na nagkakahalaga ng hanggang P2,000 kada participant.
Ipinagtanggol naman ng opisyla ang nasabing singil.
“I think the amount is reasonable… Based on my experience when I was at LTO (Land Transportation Office), nung hindi pa nabibigyan ng cap yan, it went as high as P5,000, P6,000 ang sinisingil so we have to protect the driver,” aniya pa.
“This is a very little price compared to the life na pwedeng mawala in the event of a road rage or in the event of an accident… Kung sabi nilang pabigat, yung mga cooperatives, they can have their own instructors at no cost to the drivers… Hindi sila kailangan gumastos nang P2,000 per head.,” dagdag pa ni Guadiz.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, layunin ng programa na bawasan ang mga aksidente at insidente ng road rage sa pamamagitan ng pagsuri sa mental at emosyonal na tugon ng mga driver sa tensyonadong sitwasyon gamit ang simulation tests.
Hinihikayat din ang transport operators at cooperatives na magtayo ng sariling driver academies para mabawasan ang gastos.
Unang ipapatupad ang programa sa mga bus at truck drivers sa Metro Manila at unti-unting palalawakin sa buong bansa sa loob ng tatlong taon. RNT