IPINAKITA ni Atty. Francheska Feraren, legal counsel ni Romeo Dimaunahan, residente ng Malabon City, ang isinampang kaso na supplemental case laban kay dating Malabon City District 2 councilor Lorenzo “Enzo” Oreta at kapatid ni dating Malabon City Mayor Antolino “Lenlen” Oreta sa Office of the Ombudsman.
Ang nasabing reklamo ay bunsod umano ng paglabag sa Republic Act No. 3019, Gross Inexcusable Negligence at Grave Misconduct.
Ang naturang kaso ay nag-ugat sa umano’y hindi awtorisadong distribusyon ng E-Trike units mula 2019 at 2022, ayon sa complainant.
Hindi umano ito sumunod sa itinakdang proseso ng deployment plan gaya ng pagsasagawa muna ng raffle selection at committee screening/approval, ayon pa sa reklamo. RNT