MANILA, Philippines- Sinabi ni dating National Police Commission (Napolcom) Commissioner Edilberto Leonardo nitong Biyernes na handa siyang harapin ang mga posibleng kaso matapos madawit sa mga pagpatay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
“We will face ‘yung charges, kung meron ha,” pahayag ni Leonardo sa isang panayam.
Inatasan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Leonardo na magbigay ng counter-affidavit kasunod ng pagkakasangkot niya sa 2020 killing kay dating PCSO board secretary Wesley Barayuga, na lumitaw sa House Quad Committee hearings.
Aniya, makikipag-ugnayan siya sa mga awtoridad subalit tumangging magbigay ng komento sa media.
“That’s why we are here. We can’t talk about the case,” pahayag niya.
“Ongoing na ‘yung investigation,” dagdag pa nito.
Binigyan si Leonardo hanggang Biyernes ng susunod na linggo upang magsumite ng kanilang counter-affidavit sa kaso. RNT/SA