Home NATIONWIDE Ex-OWWA admin Ignacio inalis sa pwesto – Cacdac

Ex-OWWA admin Ignacio inalis sa pwesto – Cacdac

114
0

MANILA, Philippines – Tinanggal sa puwesto si dating Overseas Workers Welfare Administration administrator Arnell Ignacio dahil sa pagkawala ng tiwala at kumpinasa, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac.

Tinukoy ni Cacdac ang P1.4 bilyong land acquisition deal na hindi pinahintulutan ng OWWA board.

Sinabi ni Cacdac na kinakailangan ng batas na aprubahan at awtorisado ng board ang deal.

Ang land acquisition deal ay dapat para sa accomodation ng oversaes Filipio workers na para kay Cacdac ay hindi kailangan.

Ayon kay Cacdac, dapat kinonsulta muna ni Ignacio ang OWWA board dahil doon mismo aniya ay pagassabihan na niya na hindi puwede dahil ang pribadong sektor ay nagbibigay ng mga accomodation requirements kung mayroong kailangang itira na OFWs.

Sinabi ni Cacdac na ang kasunduan ay pinasok noong Setyembre 2024.

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag o komento si Ignacio tungkol sa usapin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here