Home METRO Ex-parak pinosas sarili sa MMDA tow truck para ‘di mahila sasakyan

Ex-parak pinosas sarili sa MMDA tow truck para ‘di mahila sasakyan

109
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki na nagpakilalang dating pulis ang nagposas sa sarili sa tow truck cable upang pigilan ang Metropolitan Manila Development Authority na hilahin ang kanyang sasakyan sa Crispulo Street, North Caloocan.

Giit niya, pribado ang lugar at wala sa hurisdiksyon ng MMDA.

Ilang residente rin ang humiling ng ebidensya na ang kalsada ay pag-aari na ng lungsod.

Sagot ng MMDA, ang kalsada ay pampubliko at ginawang alternatibong ruta dahil sa MRT-7 construction.

Matapos ang diskusyon, tinanggal ng lalaki ang posas ngunit binigyan pa rin siya ng ticket.

Nagpatuloy ang towing operations ng MMDA sa Camarin Road. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here