MANILA, Philippines – Narekober ng Philippine Coast Guard at mga volunteer ang bangkay ng dalawang mangingisda na pinaniniwalaang nasawi dahil sa compressor diving sa Apo Island, Dauin, Negros Oriental.
Kinilala ng awtoridad ang mga biktima na sina Joel Tapsilani at Bobong Daomani.
Nakatanggap ang Coast Guard sa Apo Island ng tawag mula sa Bohol tungkol sa dalawang nawawalang kasamahan na nag-compressor diving noong Mayo 20—isang ilegal na paraan ng pangingisda.
Sa imbestigasyon, anim na lalaki mula Dawis, Bohol ang nagtungo sa isla para illegal na mangisda.
Pinutol umano ng apat sa kanila ang hose ng hangin nina Tapsilani at Daomani nang mapansin nilang may paparating na bangka, dahil inakalang ito ay mga awtoridad.
Tumakas ang apat sakay ng motor banca.
Naiwan sa ilalim ng dagat ang dalawa at namatay.
Dinala ang mga labi sa istasyon ng pulisya sa Dauin. RNT