Home HOME BANNER STORY Ex-police officer ng Duterte admin, ginisa sa Kamara sa isyu ng PCSO...

Ex-police officer ng Duterte admin, ginisa sa Kamara sa isyu ng PCSO funds

MANILA, Philippines – Ginisa ng mga mambabatas ang dating opisyal ng pulisya na may mahigpit na ugnayan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa magagarang ari-arian nito at mga ginawang ‘donasyon’ sa isang party-list na ginawa nang ito ay general manager pa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa pagdinig ng 7th quad committee hearing sa EJK, POGOs, at illegal na droga, kinumpirma ni Royina Garma na siya ang nag-set up ng STL party-list nang siya ay general manager pa ng PCSO.

Si Garma ay itinalaga ni Duterte bilang PCSO chief mula 2019 hanggang 2022.

“Yes [we set up] STL or Samahan ng Totoong Larong May Puso [party-list],” sagot ni Germa ay Rep. Dan Fernandez.

Matapos na sabihin ni Germa na wala siyang kinalaman sa paglilipat ng pondo ng PCSO patungo sa isang foundation na may kaugnayan sa kanyang party-list, mula sa “no” ay naging “I cannot recall” na ito.

Ibinunyag din ni Rep. Dan Fernandez na nag-donate ang STL party-list sa 5 tirahan sa ilang residente ng Cebu City.

Nagpalutang ito ng tanong kung saan kumukuha ng pondo ang grupo.

Dagdag pa ay ipinresenta ni Fernandez ang Facebook post ng STL party-list na nag-aanunsyong nagbigay ang PCSO ng P2 milyon sa STL Foundation “that directly benefitted your party-list,” kung saan nakalista ang pinsan ni Garma bilang second nominee.

Si Garma ay iniimbestigahan ngayon sa Kamara para sa kanyang ambag sa brutal na pagpatay ng Duterte administration, lalo na kung bahagi pa ba ito ng Philippine National Police. RNT/JGC