MANILA, Philippines – Nakalabas na ng detention ang PBA player na si John Amores at kapatid nitong si John Red matapos makapagpiyansa sa kasong attempted homicide na isinampa laban sa kanila.
Ayon kay Lumban, Laguna police chief Police Major Bob Ordiz, nakalaya ang magkapatid 2:30 ng hapon nitong Biyernes, Setyembre 27.
Inirekomenda ng korte ang P24,000 na piyansa para sa basketball player at P10,000 naman sa kapatid nito.
Sumuko nitong Huwebes ng madaling araw sa Lumban police ang magkapatid na Amores matapos na masangkot sa isang shooting incident dahil sa away sa basketball. RNT/JGC