MANILA, Philippines – Umakyat na sa P1.09 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa pananalasa ng bagyong Ferdie at pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.
Sa bulletin, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na pumalo sa P1.09 bilyon ang pinagsamang epekto ng bagyong Ferdie at Habagat.
Apektado rito ang 24,512 magsasaka sa Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula na may volume of production loss na 50,913 metric tons (MT) at 24,247 ektarya ng agricultural areas.
“Meanwhile, there are no reported damage and losses for Tropical Cyclones Gener and Helen,” ayon pa sa DA.
Pinaka-apektado ang bigas sa nawalang kita na 95.35% o P1.04 bilyon.
Sinundan ito ng mais sa 2.27% o P24.76 milyon.
Ang nalalabing 2.38% ng pagkalugi ay mga high value crops sa P20.36 milyon, habang ang livestock at poultry ay P3.32 milyon at irrigation facilities sa P2.30 milyon.
“These values are subject to validation,” anang DA. RNT/JGC