Home NATIONWIDE Signal No. 1 itinaas sa 3 lugar sa pagtawid ni TD Julian...

Signal No. 1 itinaas sa 3 lugar sa pagtawid ni TD Julian sa Philippine Sea

MANILA, Philippines- Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa tatlong lugar nitong Sabado sa pagtawid ni Tropical Depression Julian sa Philippine Sea, base sa 5 a.m. bulletin ng PAGASA.

Pinairal ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Cagayan saklaw ang Babuyan Islands;

  • northeastern portion ng Isabela (San Pablo, Divilacan, Maconacon, Palanan, Cabagan, Santa Maria, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas, Delfin Albano); at

  • eastern portion ng Apayao (Luna, Pudtol, Santa Marcela, Flora).

Napanatili ni Julian ang lakas nito patungo sa southward direction sa Philippine Sea.

Ang sentro ng mata ni Julian ay tinatayang 400 kilometers east ng Aparri, Cagayan na may maximum sustained winds na 55 kilometers per hour malapit sa sentro at gustiness hanggang 70 kph.

Kumikilos si Julian sa southward direction sa bilis na 10 kph.

“Julian is forecast to follow a looping path over the waters east of Batanes and Cagayan in the next five days,” ayon sa PAGASA.

Posible itong mag-landfall sa Batanes sa Lunes ng hapon o gabi.

Kaugnay nito, iniulat ng ahensya na inaasahan sa seaboards ng Batanes, Babuyan Islands, at ng eastern seaboard ng of mainland Cagayan ang rough seas.

“Mariners of small seacrafts, including all types of motorbancas, are advised not to venture out to sea under theseĀ  conditions, especially if inexperienced or operating ill-equipped vessels,” paalala ng PAGASA.

“The hoisting of a Gale Warning is also increasingly likely over seaboards of Northern Luzon,” base pa sa weather bureau.

Samantala, sumikat ang araw ng alas-5:46 ng umaga at lulubog ng alas-5:48 ng hapon. RNT/SA