Home NATIONWIDE Ex-Pres Duterte: WPS parte ng PH EEZ

Ex-Pres Duterte: WPS parte ng PH EEZ

MANILA, Philippines- Sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo na bahagi ang pinagtatalunang West Philippine  Sea ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

“As a Filipino, yung contested area — although it is contested between China and tayo — If you ask me, atin talaga ‘yan. As a Filipino, I would insist that that part of the West Philippine Sea is sa atin, part of the (exclusive) economic zone,” pahayag ni Duterte sa isang press conference sa Sonshine Media Network International.

“Wala naman tayong away sa  China noon. We were free to fish in and out of the area. Nobody was bugging us and there no issue of territory,” dagdag ng dating Pangulo.

Nagresulta ang engkwentro kamakailan sa pagitan ng Chinese personnel at Filipino troops sa  Ayungin Shoal sa pagkaputol ng daliri ng isang miyembro ng Philippine Navy.

Matatandaang inihayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na sa ilalim ng Duterte administration, pumasok ang Pilipinas sa isang “gentleman’s agreement” sa China na nagbawal sa pagpapadala ng bansa ng repair materials sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa kabila ng 2016 arbitral tribunal na bumabasura sa pag-angkin ng Beijing sa West Philippine Sea, patuloy ang agresyon ng China sa Philippine vessels sa pinag-aagawang teritoryo. RNT/SA