Home HOME BANNER STORY Ex-PRRD nabahala sa 2025 national budget

Ex-PRRD nabahala sa 2025 national budget

MANILA, Philippines – Ipinunto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y iregularidad sa bicameral conference committee report sa kaka-apruba lamang na 2025 national budget.

Ayon kay Duterte, ang budget items ay hindi dapat iwanang blanko “to be filled up later on.”

“Pagka ganoon, there’s something terribly wrong… As a matter of fact, I would say kung may mga blanko yan na lumusot, that is not a valid legislation. Kung nasa batas na ‘yan, lumabas na ‘yan ng blanko-blanko, either it could be filled up before or after sa Congress… Pagka putol-putol yan o kulang, that is not a valid budget for implementation,” anang dating Pangulo.

“It’s not only inaccurate, but I think the budget, in totality, is invalid,” dagdag pa ni Duterte.

“That is not allowed by law. I would like to remind Congress, mali po ‘yan… Please correct it, or recall the budget and demand an explanation kung bakit dumating sa inyo yan ng ganoon kablanko. Parang binigyan ka ng blanking cheke diyan [at] bahala na kayo ano ilagay ninyo.”

Ani Duterte, ang sinumang nagbago sa badyet ay maaaring maharap sa criminal prosecution.

“That is falsification of law… Perjury, forgery, and it can only amount to one thing—criminal action. You can all go to jail for that,” sinabi pa ni Duterte.

“Nakikiusap ako sa mga u**l na ‘to, kung sino ‘yung gumagawa ng ganoon, puwede ba sabihin ko sa inyo na do not [mess with] the people of the Philippines? Magkagulo tayo.”

“Kayong nasa bureaucracy, you better stand up straight and be counted as a true Filipino. Otherwise, you are asking for your early demise. Pag nagcoup d’état ito, patay diyan baka una kayo. Ang ayaw ng sundalo, naghirap na nga sila para sa bayan tapos nanakawan pa sila ng pera,” pagtatapos niya.

Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P6.326-trillion national budget noong Disyembre 30, kung saan direkta niyang ibineto ang P194 billion halaga ng line items na hindi tugma sa prayoridad ng pamahalaan, kabilang ang ilang programa ng Department of Public Works and Highways (DPWH). RNT/JGC