Home HOME BANNER STORY 32 dayuhan nabingwit sa Parañaque POGO raid

32 dayuhan nabingwit sa Parañaque POGO raid

Image Representation Only

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) ang 32 foreign nationals na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Parañaque City.

Kabilang sa mga naaresto ay ang 20 Chinese, 11 Malaysians, at isang Cambodian.

Ang 32 dayuhan ay nasa kustodiya ng NBI habang ipinoproseso ang deportation process sa mga ito.

“Let this be a warning to foreign nationals who blatantly continue illegal operations despite the ban of the President,” saad sa pahayag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

“We will not stop until all illegal aliens are arrested and deported,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay hinimok ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga lokal na pamahalaan na palakasin ang kanilang inspeksyon upang masiguro na masasawata na ang mga nalalabing POGO sa bansa.

Nag-isyu rin ito ng memo noong Enero 2 na nag-aatas sa mga LGU na magsagawa ng regular inspections sa mga business establishment upang masiguro na wala nang POGO na nag-ooperate sa Pilipinas.

Ito ay kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawal na ang POGO sa bansa. RNT/JGC