Home NATIONWIDE Ex-TLRC exec Cunanan, iimbitahan ng Senate panel sa POGO hearing

Ex-TLRC exec Cunanan, iimbitahan ng Senate panel sa POGO hearing

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Risa Hontiveros nitong Lunes, Hunyo 17 na iimbitahan ng Senado si dating Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) deputy director general Dennis Cunanan upang linawin ang umano’y mga kaugnayan nito sa mga nilusob na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

Ani Hontiveros, batay sa mga opisyal na dokumento ay ipinakilala ni Cunan ang sarili niya bilang “authorized representative” para sa Hong Sheng POGO sa Bamban at Lucky South POGO sa Porac.

Matatandaan na sinentensyahan si Cunanan ng 26 taong pagkakulong dahil sa kaugnayan niya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

“We will invite Mr. Cunanan to the next hearing to clarify his involvement,” saad sa pahayag ni Hontiveros.

“Basta may POGO, may koneksyon sa scam. Sabi ko nga, lahat ng POGO, masama. There is no differentiation between bad POGO or ‘good’ POGO. It seems that POGOs are deliberately tapping former and present officials they can easily corrupt,” dagdag pa niya.

Bago rito, sinabi ng abogado ni Cunanan na si Atty. Iryl Boco na ang dating TLRC official “has not been affiliated with any POGO since October 2022.”

“Mr. Cunanan served solely as an independent consultant. His involvement was limited to providing consultancy on corporate communication and government relations services. At no point did he hold any executive or managerial position, nor was he involved in the day-to-day operations or strategic decisions,” ani Boco.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ang POGO sa Bamban, na nilusob noong Marso.

Kasabay ng pag-iimbestiga sa Bamban POGO hub, nanawagan din si Hontiveros sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan na magsama-sama sa panawagan na ipagbawal na ang POGO sa bansa.

Mismong ang Chinese Embassy sa Manila ang humihimok sa pamahalaan na ipagbawal ang mga POGO “as ample evidence shows that POGO breeds serious crimes such as kidnapping for ransom, human trafficking, and murder.” RNT/JGC