Home HOME BANNER STORY Excise tax sa LPG, kerosene sinuspinde

Excise tax sa LPG, kerosene sinuspinde

86
0

MANILA, Philippines – PERSONAL na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang ginawang pagsuspinde sa excise tax sa produktong petrolyo partikular na sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene.

Sa press conference sa Briefing Room ng Presidential Communications Office, Malacañan Palace, Manila, araw ng Lunes, Abril 13, sinabi ng Pangulo na binawasan niya ang buwis sa produktong petrolyo na direktang ginagamit sa pangaraw-araw na buhay.

“So, sa ilalim ng kapangyarihan na binigay sa ating mga batas, tinanggal ko na ang excise tax sa LPG at sa kerosene. Ang katumbas nito ay P3.30., P3.36 ang bawas ng kada kilo ng LPG. Halos P37.00 sa isang tanke ang mababawasan ng presyo.”

“At P5.65 kada litro ng kerosene. Ibig sabihin magbababa ang gastos sa pagluluto at sa araw-araw na pangangailangan. Ibig sabihin magbababa ang gastos sa pagluluto at sa araw-araw na pangangailangan,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, ang magiging kapalaran naman ng excise tax sa diesel at gasoline ay tatalakayin sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) meeting, araw ng Martes, Abril 14, 2026.

Samantala, inilatag naman ng Pangulo ang ibang hakbang at opsyon na ikakasa ng gobyerno para mapagaan ang epekto ng krisis sa langis.

“Umaasa sana kami na maganda na ‘yung maging – maganda na ‘yung peace talks between the US and Iran. Ngunit mukhang hindi sila nakabuo ng deal, kaya’t kailangan patuloy pa rin ang ating mga ginagawa para tulungan ang ating mga kababayan,” ayon sa Pangulo.

Pinawi ng Pangulo ang pag-aalala ng mga mamamayan sa hindi nabuong kasunduan sa pagitan ng US at Iran dahil sapat naman ang supply natin sa mga pangunahing pagkain. Mga bigas, mais, gulay, asukal, isda, karne, manok, itlog at lahat ng ibang produktong pagkain,” aniya pa rin.

At nakikipag-ugnayan na rin aniya siya sa industriya, patuloy din aniya ang kanyang pagkikipag-usap sa kanila at sa hanggang sa katapusan ng Abril ay hindi magbabago ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kabilang na aniya rito ang mga sardinas, tinapay, instant noodles, bottled water, kape, gatas at dilatang karne. Ikalawa, binawasan din aniya niya ang buwis sa produktong pretrolyo na direktang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay.

“Dahil April 13 na ngayon, sa mga inaangkat na pagkain upang makatulong sa pagbaba ng presyo para sa ating mga namimili,” aniya pa rin.

“Pero malinaw ang directive na ito. Hindi ito puwedeng gawing basta-basta.Bawat hakbang, malinaw ang proteksyon sa ating lokal na produksyon.Poprotektahan natin ang mga consumer, ang mga magsasaka, at ng industriya. ‘Yan ang ating hinahanap na balanse. Dahil kung – everything…As you know, the economy is a complicated system. Kaya’t kung may gagawin ka sa isang bahagi, may epekto ‘yun sa kabilang bahagi,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Kasabay nito aniya ay pabibilisin na rin ang pagpoproseso ng mga permit tulad ng SPSIC, Certificate of Necessity to import para mas mabilis makapasok ang kinakailangang pagkain at mas mababa ang magiging halaga.

Inalis na rin aniya ang toll fee sa mga fish port upang hindi na ito makadagdag sa presyo ng mga pagkain.

“Nakikita natin na may mga magsasaka na napipilitang itapon ang kanilang ani dahil sa overproduction sa sobrang baba ng presyo ng bili. Hindi natin ito papabayaang magpatuloy. Kaya bibilhin na muna ng Department of Agriculture ang sobrang produksyon,” ang tinuran ng Pangulo.

Makikipagtulungan din aniya siya sa local government units (LGUs) para bilhin din ang mga gamit na ito at magamit din nila para ipamigay nila sa tao.

“Ang pamahalaan ang sasalo nito para hindi masayang ang ani, hindi malugi ang ating mga magsasaka at mapapakinabangan naman ng ating mga namimili,” pagtiyak ng Pangulo.

At para aniya mas marami pa ang makinabang ay papalawakin pa niya ang Benteng Bigas program. Dadamihan ang tindahan, habaan ang oras ng pagbenta, lalo na para sa mga senior citizen, para sa PWD at siyempre mga single parent.

“Pang-apat, ipabababa din natin ang gastos sa pagdaan ng pagkain mula sa pantalan hanggang sa merkado. Sa Cebu Ports Authority, sa Subic Bay, binawasan o sinuspinde ang iba’t ibang binabayad na mga fees at para ito ay maramdaman ng tao at tumataa – kahit tumataas ang ibang produkto, eh hindi natin na masyadong – hindi masyadong mabilis ang pagtaas o at least matigil natin ang pagtaas,” ang sinabi ng Pangulo.

“So, mababawasan ang gastos sa mula sa anchorage, sa berthing fee, cargo handling, storage fees para hindi na ito madagdag sa presyo ng pagkain.Ang Philippine Ports Authority ay ibinaba sa piso ang Roro Terminal Fee para sa mga sasakyang nagdadala ng agricultural products dahil layunin natin na panatilihing sapat ang supply, tigilan ang pagtaas ng presyo, at tiyaking tuloy-tuloy ang hanapbuhay ng ating mga kababayan,” anito.

Binigyang diin ng Pangulo na hindi siya at ang kanyang administrasyon na titigil hanggang maramdaman ng bawat mamamayang filipino ang tunay na ginhawa sa pang-araw-araw na buhay ng mga ito. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here