Home HOME BANNER STORY Exit applications ng foreign POGO workers pinapaspasan ng BI

Exit applications ng foreign POGO workers pinapaspasan ng BI

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Immigration nitong Sabado na pinabibilis nito ang exit applications ng foreign workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) o Internet Gaming Licensees (IGLs).

Sinabi nitong lumikha ng mga team upang personal na ipatupad ang on-the-spot downgrading para sa POGO at IGL workers kasama ang Department of Labor and Employment.

“Members agreed to conduct service days for POGO companies, where we will implement their downgraded visa status and issue exit clearances,” pahayag ni BI Officer-in-Charge Commissioner Joel Viado sa inter-agency meeting sa POGO closures.

Binigyang-diin din niya na binigyan ang POGO workers ng hanggang Oktubre 15 upang boluntaryong mag-downgrade, at ang mga hindi tatalima ay paaalisin sa Pilipinas sa susunod na 59 araw o mahaharap sa deportation proceedings sa Disyembre 31.

Hanggang nitong Setyembre 24, sinabi ng BI na nakapag-downgrade ang mga ito ng 5,955 visas kung saan mahigit 55% na ang nakaalis ng Pilipinas.

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo ang pagbabawal sa POGOs, at inatasan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ipatigil lahat ng operasyon ng mga ito sa pagtatapos ng taon. RNT/SA