JERUSALEM/BEIRUT- Iniulat ng Israel nitong Sabado na napatay nito ang Hezbollah leader na si Sayyed Hassan Nasrallah sa airstrike sa southern suburbs ng Beirut noong Biyernes, sa matinding pag-atake ng mga Israeli.
Hindi agad nakunan ng komento ang Hezbollah officials. Si Nasrallah ang pinuno ng nasabing grupo sa loob ng 32 taon.
Sakaling makumpirma, malaking dagok ang pagkamatay ni Nasrallah hindi lamang sa Hezbollah kundi maging sa mga taga-suporta nito sa Iran. Isa siyang kilalang personalidad sa Tehran-backed “Axis of Resistance”, na tumutulong na isulong ang Iranian influence sa Middle East.
Inihayag ng Israeli military na napatay si Nasrallah sa “targeted strike” sa underground headquarters ng grupo sa ilalim ng isang residential building sa Dahiyeh – Hezbollah-controlled southern suburb ng Beirut.
“The strike was conducted while Hezbollah’s senior chain of command were operating from the headquarters and advancing terrorist activities against the citizens of the State of Israel,” anito.
Sinundan ang nasabing pag-atake ng isa pa nitong Sabado sa Dahiyeh at iba pang parte ng Lebanon, sa pag-igting ng alitan sa pagitan ng Israel at Hezbollah. RNT/SA