Home NATIONWIDE Marcos Sr. binigyang-pugay ni PBBM sa 35th death anniversary

Marcos Sr. binigyang-pugay ni PBBM sa 35th death anniversary

MANILA, Philippines- Nagsulat ng mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Sabado bilang paggunita sa pumanaw niyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa death anniversary ng huli.

“My father lived in service to our country. He advocated for development, justice, unity and nationalism,” pahayag ng Pangulo sa kanyang post sa Facebook at Instagram accounts niya.

“Above all his beliefs was his faith in the Filipino people,” ani Marcos.

Inalala rin ng Pangulo ang pangako niya sa kanyang ama, na pumanaw sa Hawaii noong Setyembre 28, 1989 —dalawang taon matapos ang dalawang dekadang pamumuno ni Marcos.

“Thirty-five years ago, I made a promise to honor his life’s work by building on this foundation. In some way, I hope that I have made you proud, Dad. We miss you every day,”sabi ni Marcos.

Si Marcos Sr. ang ika-10 presidente ng bansa, nanungkulan mula 1965 hanggang mapatalsik siya mula sa opisina sa pamamagitan ng  People Power Revolution noong Pebrero 1986.

Dating tampok sa Marcos Museum and Mausoleum sa Batac, Ilocos Norte ang mga labi ng dating presidente hanggang sa ilipat ito sa Libingan ng Mga Bayani noong 2016 alinsunod sa kautusan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/SA