Home NATIONWIDE Expanded 4Ps grants oks kay PBBM – DSWD

Expanded 4Ps grants oks kay PBBM – DSWD

MANILA, Philippines- Ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pinalawig na cash grants para sa mga buntis at nagpapasusong ina sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa sectoral meeting sa Malacañang nitong Martes, June 11, inendorso ni Pangulong Marcos ang panukala ng DSWD na isama ang “First 1000 Day” grant para sa 4Ps beneficiaries, partikular na target ang mga buntis, nagpapasuso, o mayroong dalawang taong gulang na bata.

Kinilala nina DSWD Secretary Rex Gatchalian, Undersecretary for National Household Targeting System and 4Ps Vilma Cabrera at Undersecretary for Legislative Affairs Fatima Aliah Dimaporo, ang pag-apruba ng Pangulo.

“This will serve as an incentive for them to have this what we call health-seeking behavior, which means they will be motivated to go to the health center, register, avail of pre-and post-natal care, and post-partum treatment, including immunization for their zero to two-year-old children,” ani Gatchalian.

Sa ilalim ng 4Ps program ng DSWD, binibigyan ang mga natukoy na mahihirap na pamilya ng  cash aid. Santi Celario