Home NATIONWIDE Expanded number coding scheme sa NCR suspendido sa hagupit ni bagyong Enteng

Expanded number coding scheme sa NCR suspendido sa hagupit ni bagyong Enteng

167
0

MANILA, Philippines – Suspendido ngayong Lunes, Setyembre 2, ang expanded number-coding scheme sa National Capital Region dahil sa masamang panahon, ayon sa anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Dahil sa masamang panahon na dala ng bagyong Enteng at habagat, ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o Number Coding ay sinuspinde ngayong araw, Setyembre 2,” sabi ng MMDA sa isang advisory.

Suspendido ang klase sa ilang Luzon at Visayas areas dahil sa Enteng, na opisyal na inuri noong Lunes ng umaga bilang tropical storm.

Noong alas-4 ng umaga, ang Enteng (internasyonal na pangalan: Yagi) ay matatagpuan sa baybayin ng Vinzons, Camarines Norte, ayon sa bulletin ng PAGASA ng state weather bureau.

Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 75 km/h malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 90 km/h, at central pressure na 998 hPa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here