MANILA, Philippines – SA oras na hindi maiayos ang gusot sa loob ng Magsasaka party list, posibleng makaupo ang mga naglingkod na gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring makaragdag sa gulo sa halip na mabigyang-linaw ang namumuong kaguluhan.
Matatandaan na dalawang taon na ang nakararaan, nagsimula ang isang internal dispute sa Magsasaka Party-List nang dalawa ang umakyat sa stage para makuha ang kanilang pagkapanalo noong taon 2022.
Nito nga lamang nakaraang linggo, nagsagawa ng special general assembly at victory party ang Magsasaka Partylist na pinangunahan ni Atty. Argel Cabatbat, kasunod ng desisyon ng Korte Suprema, kung saan sinabing nararapat lamang na alisin si Soliman Villamin Jr. bilang National Chairperson ng grupo.
Sa nasabing pagtitipon, napansin na naroon din si Ariel Cayanan, dating opisyal ng Department of Agiculture na mukhang naghihintay ding maihirang na party representative ng naturang Partido habang wala si dating DAR Secretary Bernie Cruz na isa ring nominee.
Bunsod sa isyung ito ng Magsasaka Party List na kasalukuyang humaharap sa internal conflict, aminado si Commission on Election (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na may problema na ang Republic Act No. 7941 o ang “Party-List System Act.”
Aniya, sa kaso ng magsasaka party list, kinakailangan magpa-publish ang mga nag-aagawang nominado ng “Manifestation of Intent to Participate” para makumpleto lang ang mga kinakailangan dokumento at sakaling manalo ay doon na lamang rerebisahin ng comelec ang guidelines para sa mga ito.
“Yun ang sinasabi namin, may problema na talaga yung Republic Act 7941 natin yung party-list law. Dapat talaga yan ay ina-amend na o nire-revise kase nga po ang tagal na niyan. Madami na ang mga pangyayari na napipilitan ang Korte Suprema na makapag-issue ng mga ruling, interpreting the provision. Ang tawag nga natin diyan Judicial legislation, dapat po talaga is magkaroon ng overhaul review yung party-list system,” paliwanag ni Garcia.
Dahil dito paliwanag ni Garcia ay gumagawa na lang sila ng mga hakbang para hindi mabalam ang mismong kandidatura ng mga party list na nagkakagulo.
Naglabas ang Korte Suprema ang desisyon na nagsasabing nararapat lamang na tinanggal sa kanyang posisyon bilang National Chairperson ng Magsasaka Partylist si Soliman Villamin Jr..
“While the COMELEC has limited jurisdiction over intra-party leadership disputes, it does not mean that COMELEC can substitute its own judgment for that of the Party. The COMELEC cannot disregard the Party’s actions simply because these do not appear to be in line with the COMELEC’s interpretation of the party’s Saligang Batas. A party must be allowed to interpret its own governing rules and remove officials from participating in its own affairs,” ayon sa desisyon ng Korte Suprema.
Noong 2021, pinatalsik si Villamin ng MAGSASAKA sa isang general assembly dahil sa pagkakasangkot ng kanyang pamilya sa mga maanomalyang aktibidad.
SA kasalukuyan, ang mga party nominees ng Magsasaka Party List ay hinihinalang nag tatalo kung sino talaga ang uupo dahil nabalitaang nag withdraw sa posisyon si Argel Cabatbat, na kilalalang oppositor ng EO62.
Nahaharap naman si Cayanan sa akusasyong smuggling habang si Cruz, dating gabinete din ni Duterte ay pinaghihinalaan namang nasangkot sa katiwalian. RNT