MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang expanded number coding scheme ngayong Miyerkules sa gitna ng malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Kristine (International name: Trami).
“Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme ngayong araw, Oktubre 23 (Miyerkules),” ayon sa isang abiso ng MMDA.
Ayon sa MMDA, sinuspinde ang expanded number coding scheme matapos ianunsyo ng Malacañang ang suspensiyon ng klase at trabaho ng gobyerno sa buong Luzon dahil sa patuloy na pag-ulan ni Kristine. RNT