Home NATIONWIDE Extended ops ng MRT3 pananatilihin

Extended ops ng MRT3 pananatilihin

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) na pananatilihin nito ang extended weekday operations sa mahabang panahon matapos makatanggap ng positibong komento mula sa mga commuter.

Sinabi ng MRT3 na “successfully completed” na ang two-week pilot test ng extended operations nito simula Marso 24 kung saan mahigit 61,000 pasahero ang napaglingkuran.

Nasa kabuuang 29,530 pasahero ang nakinabang sa bagong polisiya ng MRT 3 mula Marso 24 hanggang Marso 28, habang 31,474 pasahero ang naitala mula Marso 31 hanggang Abril 4.

Ang huling biyahe ng tren tuwing weekdays ay pinalawig ng isang oras, mula 9:30 p.m. ay ginawang 10:30 p.m. sa North Avenue Station, at mula 10:09 p.m. ay ginawang 11:09 p.m. mula Taft Avenue Station.

Patuloy din na magdedeploy ng karagdagang tren ang MRT 3 sa peak hours.

“Both initiatives are aimed at catering to the needs of more passengers, especially workers whose jobs are scheduled in the evening,” dagdag pa niya.

“This is for passenger welfare. We want to make the commuting public lives’ easier… That’s the easiest [way], increasing the operating hours by two hours ang laking bagay no’n ah in terms of pila,” nauna nang sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon. RNT/JGC