Home NATIONWIDE Extortion, ‘di journalism: Kampo ni Romualdez sa PGMN Founder

Extortion, ‘di journalism: Kampo ni Romualdez sa PGMN Founder

58
0

MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan ng kampo ni dating House Speaker at Leyte Rep Martin Romualdez ang mga alegasyon ng Philippine Ground Media Network (PGMN) kaugnay ng pag-aresto sa founder nito na si Franco Mabanta, at binigyang-diin na ang isyu ay tungkol sa krimen ng pangingikil at hindi sa malayang pamamahayag.

Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni Atty. Elaine A. Atienza, spokesperson ni Romualdez, na binaluktot ng PGMN ang narrative upang magmukhang pag-atake sa media ang nangyari.

“Ang isyu dito ay hindi tungkol sa malayang pamamahayag. Lalong hindi ito tungkol sa karapatan ng sinuman na punahin ang gobyerno. Ang tunay na tanong: may humingi ba ng pera kapalit ng katahimikan?” ani Atienza.

Nilinaw ni Atienza na ginawa lamang ng Speaker ang nararapat at ito ay iulat ang insidente sa mga awtoridad.

Aniya, kung talagang may hawak na ebidensya o “exposé” ang grupo laban sa mga opisyal ng gobyerno, dapat ay inilabas na ito o isinuko sa tamang ahensya sa halip na gawing “leverage” o gamiting panggipit para makakuha ng pera.

“That is what PGMN did: they purportedly produced a video that was allegedly ready to run several weeks ago and yet chose not to release it. That is not journalism, that is extortion,” dagdag pa ni Atienza.

Ani Atienza, anuman aniya ang hawak na ebidensya ng PGMN ay minarapat na lamang sana na isuplong sa mga otoridad at hindi para gamitin upang mangikil.

“Whatever materials or exposés they claim to possess are irrelevant to the criminal allegations of extortion now under investigation.  If anyone believes he has evidence of wrongdoing by public officials, the proper course is simple: release it, submit it to the authorities, and let the proper institutions act on it — not use it as leverage in exchange for money. That is what PGMN did: they purportedly produced a video that was allegedly ready to run several weeks ago and yet chose not to release it.”

Ayon pa sa kampo ni Romualdez  ang ganitong gawain ay sumisira sa integridad ng lehitimong journalism at sa tiwala ng publiko sa mga tunay na institusyon ng media.

Giit ni Atienza, ang kaso ay pagdedesisyunan batay sa mga katotohanan, ebidensya, at rule of law, at hindi sa pamamagitan ng bangayan sa social media.

“Simple lang po ito: Sa demokrasya, malayang pumuna. Pero malinaw po sa ating batas: Isang krimen ang pangingikil,” nakasaad pa sa statement.

Naniniwala si Atty. Atienza na madedesisyunan ang mga nakalatag na ebidensya laban sa mga nagtangkang mangikil kay Romualdez.

“Ultimately, this case will be decided by facts, evidence, and the rule of law — not by competing narratives on social media. Such conduct undermines legitimate journalism and damages public trust in genuine media institutions,” dagdag pa ni Atty. Atienza. Gail Mendoza / Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here