Home HOME BANNER STORY Extradition ni Teves, malapit na – DOJ

Extradition ni Teves, malapit na – DOJ

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na mailalabas na ng korte sa Timor-Leste ang desisyon sa extradition court ng Pilipinas laban kay dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr sa susunod na mga linggo.

Iniulat ni DOJ Spokesman Mico Clavano na inendorso na ng Ministry of Justice ng Timor-Leste ang extradition request ng Pilipinas sa kanilang Court of Appeals.

Kailangan na lamang aniya hintayin ang magiging desisyon ng Timor-Leste Court of Appeals.

Iginiit ni Clavano na iginagalang ng Philippine government ang mga proseso ng pamahalaang Timor-Leste.

“So kailangan na lang po natin maghintay at maging patient sa desisyon ng Court of Appeals dahil hindi naman natin teritoryo iyan so we will just have to abide and comply with the direction and decision of the Court of Appeals.”

Si Teves ay naaresto noong Marso ng Timorese police habang naglalaro ng golf.

Kasalukuyang nasa pre-trial detention ang dating mambabatas sa Becora Prison.

Nahaharap si Teves sa kasong murder, frustrated murder at attempted murder dahil sa pagkamatay ni Negros Oriental governor Roel Degamo at siyam na iba pa.

Hiniling ng DOJ ang agarang pagresolba na sa extradition request matapos mapaulat na tinangka ni Teves na suhulan ang isang miyembro ng Criminal Investigation Police sa halagang $2,000 kapalit ng pagkakaroon ng seguridad sa loob at labas ng Becora Prison. Teresa Tavares