Home HOME BANNER STORY Utang ng Pilipinas lumobo sa P15.017T

Utang ng Pilipinas lumobo sa P15.017T

MANILA, Philippines – Tumaas pa ang utang ng Pilipinas noong Abril kasunod ng pagbaba ng halaga ng piso at ng net financing ng pamahalaan sa nasabing panahon, ayon sa datos na inilabas ng Bureau of the Treasury (BTr) nitong Huwebes, Mayo 30.

Ang debt stock ng pamahalaan ay nasa P15.017 trilyon sa pagtatapos ng Abril, o 0.61% na mas mataas kumpara sa
P14.925 trillion sa pagtatapos ng Marso. Mas mataas din ito ng 7.95% kumpara sa P13.911 trilyon sa pagtatapos ng Abril noong 2023.

“[This is] due to government net financing and the impact of local currency depreciation on the valuation of foreign-currency-denominated debt,” saad sa pahayag ng BTr.

Ang piso ay nagsara noong Abril 30, 2024 sa P57.76 sa kada US dollar, o depreciation na P1.52 mula sa P56.24:$1 noong Marso 27, 2024, ang last trading day ng nasabing buwan.

Kung bubusisiin, ang debt stock sa pagtatapos ng Abril ay may 31.36% na external debt, katumbas ng P4.708 trilyon o mas mataas ng 1.30% sa P4.648 trillion noong Maarso, at mas mataas ng 5.74% sa P4.453 trillion noong Abril 2023.

Binubuo ito ng P2.251 trillion sa loans, at P2.457 trillion sa external debt securities.

“Although there was a net repayment of P32.91 billion in foreign loans within the month, the considerable depreciation of the peso caused a P109.31 billion upward adjustment in the local valuation of US dollar-denominated debt,” sinabi ng BTr.

Ito ay bahagyang sinuportahan ng P15.91-billion downward adjustment dahil sa opposite movement ng third-currency debt.

Samantala, naitala sa P350.06 bilyon ang guaranteed obligations ng pamahalaan, o nagmamarka ng P10.02 bilyon o 2.89% na pagtaas mula noong end-March 2024, sa
likod ng P7.54-billion net availment ng domestic guarantees, at P3.80-billion impact ng peso depreciation sa foreign-currency-denominated.

Bumawas naman ng P1.32 bilyon sa utang ng pamahalaan ang third-currency adjustments laban sa US dollar.

Ang domestic debt naman ay nakapagtala ng 68.64% o P10.308 trillion, sumasalamin sa 0.30% na pagtaas mula sa P10.277 trilyon noong Marso at 8.99% na pagtaas mula sa P9.457 trilyon noong 2023.

Malaking bulto o P10.308 trilyon ng domestic debt ay binubuo ng government securities, habang ang nalalabing P0.16 trilyon ay sa paraan ng loan. RNT/JGC