MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan ang frontal system sa extreme northern Luzon.
Dahil dito, ang Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa frontal system.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa localized thunderstorm.
Samantala, may minomonitor na active tropical cyclone ang PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Hanggang nitong alas-3 ng madaling araw, ang tropical depression ay naitala 955 kilometro kanluran ng northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras. RNT/JGC