MANILA, Philippines – Ang Southwest Monsoon (Habagat) ay nakakaapekto sa Extreme Northern Luzon sa Linggo at magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands, sinabi ng PAGASA sa pagtataya ng panahon.
Ang mga lugar na ito ay makararanas din ng maulap na kalangitan at pagkidlat-pagkulog.
Ang katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan ay maaaring humantong sa mga pagbaha o pagguho ng lupa.
Samantala, ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay maaaring asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms.
Sa panahon ng matinding pag-ulan, maaaring magresulta ang flash flood o landslide.
Sumikat ang araw alas-5:43 ng umaga habang lulubog ito ng alas-6:17 ng gabi. RNT