MANILA, Philippines- Sinuspinde ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang face-to-face classes para sa public at private schools sa Miyerkules dahil sa dangerous heat level.
Sa Facebook post nitong Martes, sinabi ng Manila public information office na bunsod ito ng dangerous level forecast na 43°C mula sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office.
“Schools are advised to shift to asynchronous classes,” ayon sa abiso.
Inihayag ng PAGASA na ine-expose ng heat index sa danger level o 42°C hanggang 51°C ang mga indibidwal sa panganib ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Pinayuhan naman ang publiko na limitahan ang outdoor activity tuwing peak heat. RNT/SA