Home HOME BANNER STORY F2F classes suspendido sa April 15-16

F2F classes suspendido sa April 15-16

MANILA, Philippines- Nagdesisyon ang Department of Education na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng “asynchronous classes/distance learning” upang makumpleto ng mga estudyante ang kanilang mga asignatura at proyekto.

“In order to allow learners to complete pending assignments, projects, and other requirements as the end of school year is fast-approaching, all public schools nationwide shall implement ASYNCHRONOUS CLASSES/DISTANCE LEARNING on April 15-16, 2024,” pahayag ng DepEd.

Hindi gagawing rekisitos sa teaching at non-teaching personnel sa lahat ng public schools ang pagpunta sa mga paaralan, base sa DepEd.

Subalit, sinabi ng DepEd na maaaring ituloy ang mga aktibidad na inorganisa ng Regional and Schools Division Offices, tulad ng Regional Athletic Association Meets at iba pang division o school level programs sa mga nabanggit na petsa.

Inihayag pa ng departamento na hindi saklaw ng abiso ang mga pibadong paaralan subalit maaari itong pairalin ng mga ito.

Sa mga nakalipas na araw, sinuspinde ng DepEd at ilang local government units ang in-person classes dahil sa matinding init. RNT/SA