Home HOME BANNER STORY F2F classes suspendido sa ilang lugar ngayong Biyernes, Abril 26, 2024

F2F classes suspendido sa ilang lugar ngayong Biyernes, Abril 26, 2024

MANILA, Philippines- Suspendido ang face-to-face classes ngayong Biyernes, April 26, 2024, sa ilang lugar dahil sa mainit na panahon.

Pinayuhan ang mga paaralan sa mga lugar na ito ng magsagawa ng asynchronous classes o alternative learning modalities. Sa mga lugar kung saan hindi tinukoy ang mga pribadong paaralan, nakasalalay sa school authorities ang suspensyon ng in-person classes.

Metro Manila

  • Caloocan City – lahat ng lebel, public at private

  • Las Piñas City – lahat ng lebel, public at private

  • Malabon City – lahat ng lebel, public

  • City of Manila – lahat ng lebel, public at private

  • Muntinlupa City – lahat ng lebel, public

  • Parañaque City – lahat ng lebel, public at private

  • Pasay City – lahat ng lebel, public at private

  • Quezon City – heat index na aabot sa 41°. Awtomatikong lilipat ang public schools sa asynchronous learning kapag pumalo ang heat index sa 40°.

Mga lalawigan at lungsod

  • Angeles City – lahat ng lebel, public at private

  • Bulacan province – lahat ng lebel, public; lilipat sa blended learning habang umiiral ang El Niño conditions hangga’t hindi naglalabas ng bagong direktiba (Memorandum DRF-0424204-196)

  • General Trias, Cavite – lahat ng lebel, public at private

  • Iloilo City – lahat ng lebel, public at private

Mga paaralan

  • Colegio de San Juan de Letran

  • University of the East – UE Manila at UE Caloocan, lahat ng lebel

  • UP Manila. RNT/SA