Home NATIONWIDE PBBM sa kapulisan: ‘Build credibility by being part of the community’

PBBM sa kapulisan: ‘Build credibility by being part of the community’

MANILA, Philippines- Maaaring maging epektibo ang trabaho ng kapulisan kapag nagtiwala ang komunidad sa mga tagapagpatupad ng batas.

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pulis na maging bahagi ng komunidad na kanilang pinaglilingkuran, sabay sabing maaaring silang magkaroon ng kredibilidad kung mauugnay at makakapalagayang-loob ang mga tao.

Hinikayat niya ang pwersa ng pulisya “to be on the beat, to know the people, and to understand what’s happening.”

Binigyang-diin ng Chief Executive na sa kabila ng lahat ng high-tech equipment para sa drug abuse prevention at paglaban sa nagpapatuloy na drug distribution, kailangan din na makita ang presensya ng mga pulis. 

“Tapos may credibility na tayo sa taong bayan. They trust you, they know you, they know what— you like to eat— ‘yung paborito mo is lechon— ganoon, basta kilala na kayo, tao na kayo, hindi kayo pulis, tao na kayo,” ayon sa Pangulo.

Ang mga mambabatas din aniya ay kailangan na maging “inquisitive” o mausisa.

“That’s …I think is a very important lesson that despite all off the other things hanggang satellite, hanggang cyber — siyempre ginagamit natin lahat ‘yan pero puno’t dulo pa rin eh kailangan talaga you have to be part of the community. And that’s the only time [we are] truly effective is when the community trusts our policemen,” ayon sa Pangulo.

Nauna rito, nagpulong sa Malakanyang sa pangunguna ng Pangulo ang unang Joint National Peace and Order Council (NPOC) at Regional Peace and Order Council (RPOC) para talakayin ang mga bagay na may kinalaman sa ‘peace and order.’

Kabilang sa mahahalagang national security concerns ng bansa ay geopolitical issues, West Philippine Sea at iba pang territorial disputes, communist terrorist groups (CTG) at drug war.

Ayon sa National Security Council (NSC), ang “protracted wars at global issues” ay mayroong “seryoso at nakapipinsalang epekto” sa bansa partikular na sa kaligtasan ng mga overseas Filipino, global oil prices na nagresulta ng kakapusan at mas mataas na presyo ng mga kalakalan at economic growth targets ng Pilipinas.

“Also, China’s continuous activities in the WPS jeopardize the security of the Philippine borders through the harassment and obstruction of Philippine naval operations, harassment of Filipinofisherfolk, and the use of engagements as warfare tactics to influence Filipinos,” ayon sa NSC.

Hinggil naman sa paglaban sa communist insurgency, sinabi ng gobyerno na mayroong siyam na guerilla fronts sa bansa ang mahina na. Ito’y mayroong 1,576 miyembro at 1,406 armas. Kris Jose