Home NATIONWIDE Family food packs nagkakahalaga ng P797, ‘di P1,503 – DSWD

Family food packs nagkakahalaga ng P797, ‘di P1,503 – DSWD

1
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes, Agosto 31 na ang prepacked family food packs ay nagkakahalaga ng tig-P797.80 bawat isa, salungat sa kumalat sa social media na nagkakahalaga ng mahigit P1,500.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang P1,503.84 na halagang tinukoy online ay para sa Approved Budget for the Contract (ABC), o ceiling na itinatakda para sa procurement at hindi sa aktwal na halaga na ibinayad ng gobyerno.

“Actually, fake news,” ani Gatchalian.

Aniya, ang P1,503.84 ABC ay maximum amount na maaaring ilaan para sa procurement, habang ang actual award price para sa food pack ay P797.87.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na ang mga procurement ng DSWD ay dumadaan sa competitive bidding, at ang kontrata na iginagawad sa supplier na makakapagpasa ng pinakamababang responsive bid at tumutugon sa technical specifications ng ahensya.

Dahil dito, sinabi ni Gatchalian na ang ABC ay hindi dapat mapagkamalan bilang actual price na ibinayad ng DSWD para sa mga food pack.

Ang paglilinaw ay kasunod ng social media post na sinabing ang family food pack ay nagkakahalaga ng mahigit P1,500 at naglalaman lamang ng:

anim na kilo ng bigas,
apat na canned corned beef,
apat na canned tuna,
dalawang sardinas,
limang sachet ng 3-in-1 instant coffee,
at limang sachet ng powdered choco malt drink

Pinabulaanan din ni Gatchalian ang paratang na ang laman ng mga food pack ay hindi ‘fit for consumption.’

Aniya, personal niyang sinusuri ang mga food item sa pack.

“Walang papasok sa kahon na ’yan na hindi ko personal na natikman o kinain,” sinabi ni Gatchalian.

Ang food items ay sumasailalim sa evaluation ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here