Home ENTERTAINMENT Family friend ng Yulo, may pasabog kay Chloe!

Family friend ng Yulo, may pasabog kay Chloe!

Manila, Philippines- Isang mahalagang kumpirmasyon ang pagbabahagi ng isa sa mga malapit na kaibigan ng mga Yulo na si Gerald Fajardo tungkol sa personal na kaalaman nito sa magkakagulong pamilya. Kasama rito ang ating 2-time gold medalist sa nakaraang Paris Olympics na si Carlos Yulo, ang kanyang girfriend na si Chloe San Jose at ang kanyang mga magulang na sina Mark Andrew at Angelica Yulo.

Sa Facebook page ni Mark Andrew, ibinahagi niya ang post ni Gerald na tila kumpirmasyon na lehitimo ang mga nakakaintrigang paratang niyo laban kay Chloe.

Kontrobersiyal nga ang kasintahan ni Carlos.

Base sa Facebook page ni Fajardo, isa itong “coach” ng modeling, dancing, acting, at personality development kaya naman pinaniniwalaang malapit siya sa pamilyang Yulo dahil kabilang sa FB friends niya ang mga magulang ni Carlos pati na ang nakababatang kapatid ng Olympic champion na si Karl Eldrew.

Sa pagbisita rin sa kanyang Facebook page ay makikita ang mga larawan ni Fajardo kung saan kasama nito ang pamilya Yulo, at maging sina Carlos at Chloe.

Sa kanyang Facebook post recently, sinisisi ni Fajardo ang malakas na impluwensiya ni Chloe kay Carlos bilang dahilan ng pagiging mailap at malayo niyo sa kanyang pamilya.

Matatandaang idinepensa ni Mark ang asawang si Angelica sa isyung “mukhang pera” raw ang ina ni Carlos.

Depensa pa ni Fajardo: “Sa usaping interview, una ni Angelica – napahiya sya di ba?

“Bakit kaya? Di ba dahil kay CHLOE…

“Pangalawa si CALOY – napahiya din sya di ba? Di ba dahil kay CHLOE…

“Mag-ina nga kayo, kasi parehas kayong mahihina, parehas na nabahiran ang pagkatao nyo dahil kay CHLOE.”

Naungkat din ni Fajardo ang “yaman” diumano ni Chloe na dahil sa kanyang pamilya na nakabase sa Australia.

Sabi niya: “Dumako naman tayo sa yaman na meron ka? Wala kaming pakealam sa sasabihin ng iba…

“Focus lang tayo sa kung ano yung mga nagawa mo, since mayaman ka.

“Bakit ka nagbenta ng MACBOOK na worth 50k, kay Caloy. Tapos ikaw lang din pala ang gagamit, kase hindi naman niya alam gamitin. Bakit ka pala nag-apply kay ma’m Cynthia? – well in fact di ka naman nakapasa.

“Sumahin mo yung mga subscriber’s na nadagdag sayo after mong makilala si CALOY ….,” ani Fajardo.

Dagdag pa niyang buwelta kay Chloe, “Mahusay ka, na-achieve mo yung ninanais mo, siksik,liglig at umaapaw.”

Ang “Ma’am Cynthia” na tinutukoy ni Fajardo ay ang Gymnastics Association of the Philippines president.

Hindi nilinaw ni Fajrdo kung ano ang in-apply-an ni Chloe.

Binuweltahan din ni Fajardo si Chloe sa pagkukumpara nito sa kanyang pamilya sa pamilya ni Carlos.

Direkta ring pinaratangan ni Fajardo si Chloe na siya umanong sumira sa pamilya ng two-time Paris Olympics gold medalist.

Sinopla ni Fajardo si Chloe at wala raw itong karapatang ipamukha ang milyones na meron ang pamilya nito sa Australia at kung ano ang propesyon ng mga magulang doon, “Dahil talong talo talaga ang nanay at tatay ni Caloy. Hindi sila nakapagtapos, wala silang milyon, walang trabaho na may malaking sweldo. Kaya wag mong i down ang pamilya nya.

“After mong isiksik yung sarili mo sa PAMILYA nya, biglang itutulak mo sila palabas? BUO ang pamilya n’yan (pero) sinira mo…

“Yang sinasabi mong ikaw ang kasama sa journey ni Caloy sa OLYMPICS , OO… Ikaw nga, ikaw nga talaga. Kase hinusayan mong alisin ang bawat tao sa paligid nya..sinigurado mong mawawala sila.

“Di ba, after kausapin si Caloy para sa paghahanda sa olympics, sinabi mong hindi ka priority ni CALOY.

“Hindi ka ka ba priority, eh, magka-live in na nga kayo.

“Tapos yung oras na uuwi na si CALOY, papunta sa PAMILYA nya, ano’ng ginawa mo?

“Sinabi mo di ba MAGPAPAKAMATAY ka?

“Buo ang loob ni Caloy na lumaban sa 2024 olympics. Handa ang lahat. Lalong handa sya, oo naka GOLD kayo -dalawa pa, pero pano kung wala ka? Malamang maka-all around pa ‘yan!!!

“At isa pa ha,…

“Yung nakilala mo si Caloy sabi mo wala kang pamilya, hindi ka in good terms sa mama mo at papa mo. Pero ano?

“Di ba gumawa ng paraan si Caloy para mabuo ang pamilya mo,” sabi pa ng galit na si Fajardo kay Chloe. Ador Saluta