Home ENTERTAINMENT Fans, gumastos para kina Andres at Ashtine!

Fans, gumastos para kina Andres at Ashtine!

278
0

Manila, Philippines – Grabe ang pagmamahal at suportang ipinakikita ng mga faney kina Ashtine Olviga at Andres Muhlach, huh!

Nagpagawa lang naman ang iba’t ibang grupo ng fan club nila ng siyam na LED billboards para sa promo ng launching movie nilang Minamahal… 100 Bulaklak Para Kay Luna, na showing na ngayon sa mga sinehan.

O ‘di ba, yayamanin ang mga faney ng AshDres?

Kesehodang gumastos sila, masuportahan lang ang movie ng kanilang mga idolo.

Ang LED billboards ay hindi lang matatagpuan sa EDSA kundi maging sa Cagayan de Oro City.

Post nga ng isang grupo ng mga tagahanga ng AshDres, ang Amigas of AshDres:
“EDSA won’t just be busy… it’s turning into a garden of kilig. Thanks to Minamahal.

Our 9 LED billboards for Minamahal will officially light up the Metro to celebrate the showing of AshDres’ movie.”

Ang siyam na LED billboards ay nasa EDSA Deca Tower, EDSA Boni Avenue, EDSA Shaw Intersection, EDSA GA Tower, EDSA Magallanes, EDSA Galleria Corporate Center, EDSA Sentinel Residences, C5, at Guadalupe.

(Rommel Placente)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here