Manila, Philippines – Inalmahan ng mga fans ni Kathryn Bernardo ang anila’y double standard ng mga netizens kaugnay sa pagkaka-link ng kanilang idol kay Lucena City Mayor Mark Alcala.
Hirit nila, okey lang naman daw na napapabalitang nakikipag-date kung sakali ang aktres with the young mayor.
For one, single naman ito–and so is Mark.
Ang ‘di lang nila matanggap ay ang pagpupumilit na nagde-date sina Kathryn at Mark gayong wala namang maiprodyus na “resibo.”
By resibo, ang ibig nilang sabihin ay physical evidence tulad ng mga larawan o video.
And again, kung sakali ngang they were sighted in public–eh, ano naman?
Respectively, wala naman daw pumipigil sa kanila as they are not “taken.”
Ang ipinagpuputok ng butse nila–bakit daw si Sanya Lopez na tatlong beses nang nakasama ni Mark in public?
Bakit hindi raw gawing big deal din ito, to think na tulad ni Kathryn ay single ang Kapuso actress?
Perhaps, a description of one of the videos showing Sanya and Mark together will help solve the puzzle.
Hindi nga talaga lalagyan ng malisya o kakaibang kulay ang sighting sa kanila dahil sa video’y hindi naman sila sweet sa isa’t isa.