MANILA, Philippines – Hinirang na interim coach si Philippine football legend Norman Fegidero ng men’s team matapos ang pag-alis ni Tom Sainfiet bilang coach.
Ayon sa ulat, lumipat na ang Belgian coach na si Sainfiet sa bansang Mali matapos ang pagiging coach nito mula noong buwan ng Pebrero.
Nakatikim ng apat na beses na talo ang men’s football team sa FIFA World Cup Qualifiers sa ilalim ng pamumuno nito.
Napili ang 51-anyos na si Saintfiet ng Mali Football Federation na siyang magiging head coach nila sa qualification campaign sa 2025 Total Energies Africa Cup of Nations.
Si Fegidero na ang magtitimon sa men’s football team sa pagsisimula ng 2024 Merdeka Cup sa Kuala Lumpur, Malaysia sa buwan ng Setyembre.
Sinabi naman ni Mark Torcaso, ang head coach ng women’s national football team na tutulong kasama ang ilang assistant nito.JC