MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Small Business Corporation (SBCorp), financing arm ng Department of Trade and Industry (DTI), na maglulunsad ito ng isang loan program para tulungan ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na makarekober mula sa epekto ng Bagyong Carina noong nakaraang buwan.
Sa pahayag, sinabi ng SBCorp na ang Enterprise Rehabilitation Financing (ERF) program ay inilunsad noong Agosto 27, 2024.
Ang ERF ay nagsisilbing special loan facility na nagbibigay ng mahalagang financing assistance sa mga MSME na napinsala ng bagyong Carina para sila ay makarekober at makapagsimulang muli.
“We understand the challenges businesses face as they work to rebuild and resume normal operations after the devastating impact of this typhoon, which surpassed even the rainfall record of Super Typhoon Ondoy,” sinabi ni SBCorp president at chief executive officer Robert Bastillo.
“This emergency fund, offering concessional terms not currently available in the market, aims to finance the immediate needs of MSMEs. These needs include the repair and replacement of damaged fixed assets and inventories, operational disruption, and revenue loss,” dagdag ni Bastillo.
Anang SBCorp, ang bago at kasalukuyang mga negosyo ay maaaring humiram ng hanggang P300,000 at babayaran buwan-buwan nang hanggang tatlong taon.
Maaari ring maka-secure ng tatlong buwan na grace period sa oras na hindi makabayad ang borrower.
Zero interest din ang naturang pautang para sa unang taon, at “1% per month interest rate based on diminishing balance shall be levied for the second and third year.”
Kwalipikado sa naturang programa ang mula sa mga sumusunod na lugar:
National Capital Region
Ilocos Norte
La Union
Bataan
Pampanga
Bulacan
Tarlac (Camiling)
Cavite
Rizal
Laguna (Mabitac)
Oriental Mindoro (Pinamalayan and Baco)
Romblon (San Andres)
Zamboanga (Tambulig)
Davao Occidental (Jose Abad Santos at Trinidad)
Cotabato (Kabakan and Pikit)
“Our existing borrowers who are currently in their loan repayments and have yet to fully reach the P300,000 loan cap can quickly access this facility without needing to submit any documentary requirements,” ani Bastillo.
Samantala, ang mga bagong borrower ay kailangan lamang magpasa ng kanilang Mayor’s Permit o Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) Certificate para sa loan na mahigit P100,000, o Barangay Certification sa mga loan na hanggang P100,000.
Dagdag pa, dapat din magbigay ang mga bagong borrower ng government-issued ID, proof of bank o e-money account, at corporate documents.
Anang ahensya, tatanggap ito ng aplikasyon sa kanilang loan portal sa kanilang website hanggang sa katapusan ng Setyembre. RNT/JGC