MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Joseph Francisco Ortega bilang bagong chairperson ng National Youth Commission (NYC), ayon sa Presidential Communications Office.
Itinalaga rin si Karl Josef Legazpi, director ng House of Representatives, bilang
second Commissioner-at-Large ng naturang youth body.
Papalitan ni Ortega si Ronald Cardema na inilagay sa pwesto sa nakalipas na administrasyon.
Si Ortega ay naglingkod bilang Regional Director ng Department of Tourism (DOT) Region 1 mula 2019 bago ito maitalaga.
Pinangunahan niya ang iba’t ibang aktibidad para mapalakas ang regional tourism at maipakilala ang sustainable development.
Graduate si Ortega ng Bachelor of Arts in Political Science degree sa Ateneo de Manila University noong 2013 at kumuha ng Master of Business Administration sa Ateneo Graduate School of Business noong 2023.
Ani Marcos, kumpiyansa siya na mapapanatili ni Ortega ang mahalagang papel ng NYC sa paghubog sa mga kabataang Filipino pagdating sa pamumuno at pagkakaroon ng malaking ambag sa lipunan. RNT/JGC