Home OPINION FIESTA GRANDE MGA BUWAYA

FIESTA GRANDE MGA BUWAYA

248
0

MAY nasilip na mahigit 100 bilyong piso na “pork barrel/insertions, allocables” sa 2026 National Budget!

Magdiriwang na naman sa pangungurakot at pandarambong sa kaban ng bayan ang mga buwaya. Kung baga, para na naman silang magpipista nang engrande. Ang gutom ay tayong mga mahihirap.

At sa malamang, todo-kunsinti rito ang Malakanyang dahil ito ang unang makikinabang sa sistematikong pandarambong at pangungulimbat sa pondo ng pamahalaan.

Sinasabi ng source na may mahigit 6 bilyong piso na “allocables”/pork barrel” na ibinigay sa pinakapuno o haring buwaya kahit nabulgar na siya ay co-conspirator ng gobyernong korap na ito bilang “chief architect at MASTERMIND” sa higit trillion peso plunder sa flood control projects.

Isiniwalat mismo ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na sa on-going BICAMERAL COMMITTEE CONFERENCE ay nadoble ang maanomalyang pondo sa anyong ‘farm-to-pocket’ roads.

Ang naunang 16 billion pesos ay dinoble sa 32.1 billion pesos ng BICAM at ang “so called ‘farm-to-pocket’ road style” na ito ay kahalintulad ng ghost flood control projects!

Sa totoo lang, ang mga kawatan sa rehimeng ito ang mga tunay na kanser ng ating lipunan na nangangailangan ng “surgical action” ng sambayanan.

Mantakin n’yo, hindi pa nga naikukulong ang mga animal e, gagawa na naman ng panibagong pagnanakaw sa kaban ng ating bayan.

Ito na marahil ang pinakamasamang rehimen sa usapin ng pandarambong at pangungulimbat sa pampublikong pondo ng Pilipinas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here