Home NATIONWIDE Financial literacy, entrepreneurship sa JHS, SHS isinulong ni Bong Go

Financial literacy, entrepreneurship sa JHS, SHS isinulong ni Bong Go

319
0

MANILA, Philippine – ISINULONG ni Senate youth committee chairman Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapalakas ng financial literacy at entrepreneurial skills ng mga kabataan sa junior at senior high school curricula sa ilalim ng kasalukuyang K-12 program.

Inihain ni Bong Go ang Senate Bill No. 672 sa pagsisimula ng 20th Congress bilang bahagi ng kanyang patuloy na adbokasiya para sa reporma sa edukasyon.

Binigyan diin ni Go na ang pagpapalakas sa “economic knowledge and skills of the youth” ay isang mahalagang hakbang bilang tugon sa kahirapan at unemployment habang itinataguyod ang sustainable national development.


“Kung matututo na ang kabataan natin sa tamang paghawak ng pera at sa pagnenegosyo habang nasa eskwela pa lang, mas magiging handa silang harapin ang hamon ng buhay. Tandaan natin na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan at edukasyon ang susi tungo sa mas maganda nilang kinabukasan,” ani Go.

Sakaling maisabatas, layunin ng RA No. 10679 o Youth Entrepreneurship Act na palawakin ang sakop at palalimin ang integrasyon nito sa sistema ng edukasyon.

Ipinaliwanag ni Go na matagal nang kinikilala sa bansa ang kahalagahan ng entrepreneurship education sa pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagtugon sa mga programa ng kahirapan at kawalan ng hanapbuhay.

Aniya, isinabatas ang RA 10679 para itaguyod ang pamumuhunan sa mga kabataan sa pamamagitan ng mga programa at serbisyo bilang suporta sa pag-angat ng kanilang ‘entrepreneurial skills and mindset.’

Binanggit din ni Go ang findings ng Global Entrepreneurship Monitor na nagpapakita na noong 2015, 46% ng mga Pinoy ang may positibong pananaw sa entrepreneurial opportunities sa bansa.

Samantala, batay sa June 2025 “Ulat ng Bayan” nationwide survey na isinagawa ng Pulse Asia, 53% ng Filipino adults ang may maayos na trabaho o maaasahang source of income bilang isa sa kanilang mga concern na pangalawa lang sa malusog na pangangatawan na may 64%. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here