MANILA, Philippines – Natagpuang patay sa karagatan ng Tacloban City noong Agosto 4 ang isang 35-anyos na babaeng iniulat na dinukot sa Ormoc City noong Hulyo 31, 2025.
Isang mangingisda ang nakakita sa bangkay na nasa advanced state of decomposition, nakaplastik ang mukha at nakatali ang mga kamay.
Kinilala siya ng pamilya sa pamamagitan ng kanyang mga tattoo.
Ayon sa pulisya, tatlong armadong suspek ang dumukot sa biktima.
Patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang motibo ng krimen. RNT