Home ENTERTAINMENT Financier daw ni Dingdong, umatras!

Financier daw ni Dingdong, umatras!

271
0

Manila, Philippines — Bagama’t itinanggi na niyang papalaot sa pulitika, napag-alamang totoo pala ang pagsabak sana ni Dingdong Dantes sa pagka-senador.

Ang tsika, no less than mga senador din daw sana ang susuporta sa kanyang senatorial bid.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga mamamayan kung kaninong presidential bid sinuportahan ng Kapuso actor.

Hindi nga lang pinalad si dating Vice President Leni Robredo.

Balitang isang super-rich na businessman ang magpi-finance sana ng campaign funds ni Dingdong.

Dahil mapera nga, aware ito sa kung magkano aabot ang kanyang gagastusin, lalo’t national post ang tatakbuhan sana ni DD.

‘Yun nga lang daw, ang tipo ng financier na iyon ay hindi basta-basta magtatapon ng pera. Ginawa lang daw ng financier ang dapat—alamin ang winning chances ni Dingdong.

Bale, balitang identified sa administration ang financier.

At sa ginawa ngang pagtanong-tanong at pananaliksik, hindi raw kagandahan ang mga nakuha niyang feedback.

Hindi malinaw kung ang feedback na tinutukoy ay ang slim chance ng aktor na manalo, o ang kanyang political leanings.

Ang ending—umatras na lang daw ang financier.

Minsan nang itinanggi ni Dingdong na wala sa kanyang mga immediate plans ang pumasok sa pulitika.

As it is now, paano pa niya ‘yon mapaglalaanan ng oras kung wagas ang kanyang mga showbiz commitments?

Sa dami ng mga iyon, is Dingdong willing to give them up for something na wala namang kasiguraduhan kung mananalo siya?

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here