Manila, Philippines — Sa Toni Talks, mas pinili ni Joey Marquez na isiwalat ang matagal na niyang inililihim tungkol sa kanyang pamilya.
Bale, sagot ito sa tanong ni Toni Gonzaga kung bakit tinanggap ng aktor ang Metro Manila Film Festival entry na I’m Perfect ng Nathan Studios.
Ani Joey: “First, for personal reason…”
‘Yun pala, may anak siyang babae—now 32 years old—na may Down Syndrome.
Ang dalawang pangunahing bida kasi ng I’m Perfect—na sina Earl Amaba at Krystel Go—ay may Down Syndrome.
Ayon kay Joey, his daughter is doing well: “She’s fine!”
Naiyak nga raw siya sa simula ng filming dahil sa misconception ng tao tungkol sa mga tulad nina Krystel at Earl.
Truth be told, tulad natin, ay mga normal na tao din sila—kundi man mas nakakaangat pa nga in terms of talents.
Kaya nga napabilib si Joey, na nagsabi na kung siya raw ang nasa selection committee ng MMFF awards, ay papanalunin niyang Best Actor at Best Actress ang mga ito.
Nauna nang napahanga ang co-star ding si Tonton Gutierrez sa mga bida ng pelikula: “Ang huhusay nila!”
Napawi rin ang naunang apprehension ni Joey na baka mahirapan silang mga stars in the movie to work with Krystel, Earl, at iba pa na may Down Syndrome: “Baka kasi biglang tumawa o umiyak when the scene doesn’t call for it.”
Pero mismong ang producer na rin at co-star na si Sylvia Sanchez ang nag-advice sa kanya na give it a try.
Ang realization ni Joey na kaya nitong mga bata mag-deliver ay may kasamang sense of guilt.